Faith-Based Group, nakilahok sa isinagawang Information Operation sa Kalinga

Masayang nakilahok ang mga Faith-Based Leaders sa isinagawang school visitation at information operation sa Lubuagan Senior High School, Lubuagan, Kalinga nito lamang Pebrero 23, 2023.

Kasama rin sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Divina Kawi.

Tampok sa aktibidad ang pagbabahagi ng salita ng Diyos mula kay Pastor Jovito Garcia at lectures naman mula sa pulisya ng 2nd PMFC hinggil sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), RA 9165 bilang pagsuporta sa BIDA Program o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” ng DILG, RA 9262 (Anti-VAWC), Disadvantages of Early Pregnancy, Basic Leadership at Crime Prevention Safety.

Layunin ng aktibidad na imulat at magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan hinggil sa mga isyu sa pamayanan na kanilang kinabibilangan, at gayon din sa pagbibigay gabay sa ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *