Advocacy Support Group, nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity

Dimasalang, Masbate- Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo at mga miyembro ng Baptish Church sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity na ginanap sa dalampasigan ng Barangay Banahao, Dimasalang Masbate nito lamang Sabado ika- 25 ng Pebrero 2023.

Nagtulong-tulong ang grupo sa pagpulot at pagkolekta sa mga nagkalat na basura upang hindi na mapunta sa karagatan.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa komunidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang maprotektahan ang mga yamang dagat.

Patuloy ang mga kasapi ng Advocacy Support Group na nakikiisa sa mga adbokasiya ng gobyerno sa pangangalaga ng kapaligiran at ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *