KKDAT Cagayan, aktibong nakiisa sa Tree Planting at Clean-Up Drive
Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cagayan Chapter, sa pangunguna ni Mr. William A. Furigay, President, sa Tree Planting and Clean-Up Drive na isinagawa sa Barangay Manga, Peñablanca, Cagayan, noong Setyembre 26, 2026, kasama ang PCADC Immersion Students Class 02-051-R2-2026-012.
Pinangunahan naman ang aktibidad ni PMaj Verdita T. Cruz, Team Leader, katuwang ang 17th Infantry Battalion, Philippine Army, Peñablanca Police Station, Boy Scout of the Philippines ng Peñablanca National High School, Bureau of Fire Protection Peñablanca, MDRRMO Peñablanca, mga opisyal ng barangay, at mga residente ng Barangay Manga.

Kabilang sa isinagawang aktibidad ang pagtatanim ng mga puno at paglilinis sa paligid bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan. Naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang pakikiisa, bolunterismo, at pagtutulungan ng mga kabataan, mga ahensya ng pamahalaan, at komunidad.
Layunin ng naturang inisyatiba na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, mapalawak ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan, at mahikayat ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga gawaing may pakinabang sa nakararami.
Patuloy namang nakikiisa ang KKDAT Cagayan sa mga programang nagtataguyod ng environmental protection, volunteerism, at pagkakaisa tungo sa isang mas malinis, luntian, at ligtas na pamayanan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/19LQrLc2K4/?mibextid=wwXIfr