Faith-Based Leaders, nakiisa sa Feeding Program at Gift Giving Activity sa Calbayog City

Calbayog City –Nagkaisa ang mga Faith-Based Leaders at Samar PNP sa isinagawang Feeding Program at Gift Giving Activity sa Tinambacan Norte, Calbayog City Samar nito lamang Sabado ika-25 ng Pebrero 2023.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa masigasig na adhikain ng Faith-Based Leaders ng Rock fort Bible Baptist Church kasama ang mga tauhan ng 1st Samar PMFC ng 2nd Maneuver Platoon na maisakatuparan ang tulong na handog para sa mga benipisyaryo.

Mahigit 60 na kabataan kasama ang mga magulang ang napamahagian ng pagkain at gift boxes sa nasabing aktibidad.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga Faith-Based Leaders at PNP upang mapalakas ang partisipasyon ng komunidad tungo sa ligtas na pamayanan. Layunin din nito na patatagin ang pagkakaisa at pakikipagtulungan ng komunidad at kapulisan sa tulong ng simbahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *