Programang Balay sa Gugma, muling inilunsad ng Sto. Rosario Parish Church

Muling inilunsad ng Sto. Rosario Parish Church ang ika-27 na Programang Balay sa Gugma sa Barangay Bonot-Bonot, Buenavista, Bohol nito lamang umaga ng Sabado, ika-25 ng Pebrero 2023.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station sa pangunguna ng Officer-In-Charge na si Police Captain Edcel Delgado Petecio; Parish Pastoral Council na pinamumunuan ni G. Lino Divinigracia, PPC President; Brgy. Parish Council; Brgy. Catechists; Lay Ministers Families for the Father; Gagmay ng Kristohanong Katilingban (GKK); Family Group Leaders; Barangay Officials; Duterte Riders; Rev. Fr. Nasario Tiempo Jr. Parish Priest ng Sto. Rosario Parish Church; at Fr. Vienvinido Omamalin.

Taos pusong tinanggap ng pamilya ni Tatay Jimmy Tinio at Nanay Amelita Tinio ang bagong bahay na binansagang Balay sa Gugma ng Sto. Rosario Parish Church.

Ang programang ito ay nagbibigay pag-asa sa mga residente na kanilang nasasakupan na walang maayos na tirahan o walang sariling bahay kaya’t binigyang katuparan ito ng mga miyembro ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *