Pulong-pulong kasama ang Indigenous People isinagawa sa Malaybalay City, Bukidnon

Naglunsad ng pulong-pulong sa mga miyembro ng Indigenous People Brgy. Officilas sa Purok 5, Silae, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Martes, Pebrero 28, 2023.

Dumalo rin sa akbtibidad ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Malaybalay City Cluster sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Carlito Ravelo Chua Jr, Company Commander ng 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company.

Sa nasabing pulong-pulong tinalakay ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Program ng Pambansang Pulisya na makakakatulong upang mapanatili ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng aktibidad na matugunan ang mga problema ng mga IPs upang manatili ang maayos, ligtas at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *