Faith-based Advocacy Group, nakiisa sa Gift Giving Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng faith-based advocacy group sa gift giving activity na ginanap sa Igtumarom Elementary School, Brgy. Igtumarom, Anini-y, Antique nito lamang ika-2 ng Marso 2023.

Kabilang sa lumahok ang mga tauhan ng Anini-y Municipal Police Station katuwang ang Municipal Federation of Parents – Teachers Association, Municipal Disaster Risk Reduction And Management Office.

Namahagi ang naturang mga grupo ng mga grocery packs sa mga magulang at mag-aaral ng nasabing lugar.

Ang binahaging gift packs ay mula sa nalikom ng mga stakeholders upang matulungan ang kanilang nasasakupan sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *