KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting inilunsad sa Malaybalay City, Bukidnon

Nagsagawa ng KASIMBAYAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Weekly Interactive Meeting ang Salvacion Baptist Church na ginanap sa Poblacion, Brgy., Can-ayan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Marso 3, 2023.

Ito ay dinaluhan ng mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Malaybalay City Cluster 1 sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Darwin Sandicon sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office.

Nagbahagi ng salita ng Diyos si Senior Pastor Mamerto Cajardo kung saan makakatulong ito upang ma boost ang morale ng kapulisan.

Layunin ng aktibidad na maibahagi ang salita ng Diyos sa mga kapulisan na siyang nagpapanatili kapayapaan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *