KKDAT Natonin Chapter nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Natonin Chapter sa isinagawang Clean-up Drive sa Sakaraw, Poblacion, Natonin Mt. Province nito lamang Marso 2, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng HUMS 12-B students (Natonin Stand Alone Senior High School), sa pangunguna ng kanilang Class Adviser na si Ginoong Jayrus R. Manao.

Kasama rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan Natonin Municipal Police Station, KKDAT-Natonin Chapter, mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) ng Pegkeng Patrol Base, at Delta Company, 50th Infantry Battalion, 5th Infantry Division ng Philippine Army.

Ang mga nasabing grupo ay sama-samang naglinis sa nasabing lugar upang isulong ang Environmental Protection and Implement o RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) sa komunidad at para mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *