Faith-based Advocacy Group at Force Multipliers, nakilahok sa Bloodletting Activity

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Faith-based Advocacy Group at Force Multipliers sa bloodletting activity na isinagawa sa Silay City, Negros Occidental nito lamang ika-3 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Silay City Component Police Station katuwang ang Philippine Red Cross, Bacolod City Chapter at City Health Office na dinaluhan ng 605th Maneuver Company RMFB6, Ugyon Mixed Riders Club, Pastor Rolly Cadahing, Pastor Edgar Alpas at iba pang mga volunteers.

Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “We for Gender Equality and Inclusive Society”.

Layunin ng naturang grupo na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *