Clean-Up Drive isinagawa sa Dinalungan, Aurora

Nagtulungan ang iba’t ibang ahensya at mga mamamayan sa paglilinis ng kapaligiran sa Barangay Paleg, Dinalungan, Aurora nito lamang Biyernes, ika-3 ng Marso 2023.

Nilahukan ito ng mga tauhan ng Dinalungan PNP, Philippine Army, Local Government Unit at mga residente ng naturang barangay.

Nagwalis sa gilid ng kalsada at tinanggal ang mga sanga ng punong-kahoy na maaring magdulot ng disgrasya sa mga motoristang dadaan sa nasabing lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *