KASIMBAYANAN Outreach Program nilahukan ng mga Stakeholders sa Muntinlupa City

Masigasig na nakilahok at naghatid ng tulong ang mga miyembro ng Guardians Philippines International Inc. Anti Crime sa isinagawang KASIMBAYANAN Outreach Program sa mga biktima ng sunog sa Upper Sucat Evacuation Area Covered Court, Brgy. Sucat, Muntinlupa City nito lamang umaga ng Linggo, Marso 5, 2023.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni GSSP Mistah, NCR President ng Guardians Philippines International Inc. Anti Crime kasama si SPFRMG Amy Pavillar at Ptr. Edgar Nanas Jr, PNP Life Coach.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Community Affairs Section sa pamumuno ni Police Colonel Angel L Garcillano, Chief ng Muntinlupa City Police Station.

Naghatid ng tulong ang grupo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit na lugaw sa mga pamilya/biktima ng Fire Hazed at sinundan ng maikling talakayan tungkol sa Anti Bastos Law, Elcac at B.I.D.A Program ng ating DILG.

Naglalayon ang programa na makapagbigay ng tulong sa mga nasunugan at maipadama ang malasakit at pagmamahal mula sa gobyerno kaagapay ang mga stakeholders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *