Coastal Clean-up Drive isingawa sa Zambales

Nagtulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at force multipliers sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa Brgy. Lapaz, San Narciso, Zambales nito lamang Linggo, ika-5 ng Marso 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng San Narciso PNP, Philippine Coast Guard at mga miyembro ng Tau Gamma Phi San Narciso Council.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng dalampasigan at maiwasan ang polusyon sa karagatan.

Hinihikayat naman ang mga mamamayan na makiisa sa paglilinis ng kapaligiran upang maging ligtas sa sakit dulot ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *