35 PDL nakatanggap ng food packs mula sa Advocacy Support Groups ng Sultan Kudarat

Nakatanggap ng tulong kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2023 mula sa mga iba’t ibang miyembro ng advocacy support groups ng Sultan Kudarat sa 35 na kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Tacurong City District Jail nito lamang ika-6 ng Marso 2023.

Nakapag-abot ng kasiyahan at bagong pag-asa sa 35 na PDL ang pagtutulongan ng mga miyembro ng Police Transformation and Development Development (PAGPTD); Lambayong PNP; Tacurong PNP; President Quirino PNP; LGBTQ Community of Tacurong City; at sa suporta ng MLhuillier South Cotabato at Philippine Dental Association – Sultan Kudarat.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga PDL sa kanilang natanggap na libreng gupit, oral health education, food packs, t-shirts, face towels, hygiene kits at mga sako-sakong bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *