Feeding Program, isinagawa ng Advocacy Support Group at Aparri PNP

Tuwa at pasasalamat ang naging tugon ng mga residente ng Brgy. Maura, Aparri, Cagayan sa isinagawang feeding program ng Advocacy Support Groups at Aparri PNP noong ika-5 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga myembro ng Kabalikat Civicom at mga tauhan ng Aparri Police Station kasama ang Religious Sector ng Aparri at mga ng miyembro Philippines Coast Guard.

Hindi alintana ng grupo ang layo, pagod at init ng panahon maipadama lamang ang hangaring makatulong sa mga kababayang nangangailangan.

Layunin nito na maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente lalo na sa kanilang kapakanan at seguridad gayundin upang ipadama sa kanila na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay laging handang tumulong sa lahat ng oras.

Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *