Faith Based Leaders, nakiisa sa Community Outreach Program sa Calbayog City

Calbayog City – Nakiisa ang Faith Based Leaders sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Dagum, Calbayog City Samar noong ika-7 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Jose G Salurio ng Rockfort Bible Baptist Church katuwang ang mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company.

Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pamimigay ng munting regalo na lubos naman na ikinatuwa ng mga bata sa nabanggit na lugar.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga Faith-Based Leaders at PNP upang mapalakas ang partisipasyon ng komunidad tungo sa ligtas na pamayanan.

Layunin din nito na patatagin ang pagkakaisa at pakikipagtulungan ng komunidad at kapulisan sa tulong ng simbahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *