KASIMBAYANAN Marriage Enrichment Seminar isinagawa sa San Juan City

Aktibong nilahukan ng mga mag-asawa mula sa San Juan City ang isinagawang KASIMBAYANAN Marriage Enrichment Seminar ng mga Faith Based Advocacy Support Group sa United Evangelical Church Greenhills, Brgy Little Baguio, sa nasabing Lungsod nito lamang Lunes, Marso 6, 2023.

Pinangunahan ito ng Association of Pastors for Outreach sa pamumuno ni Pastor Rod Rona, President APOI, Pastor Ramil Elinzano, Pastor Liza Sature at United Evangelical Church of Greenhills sa pangunguna ni Rev Michael Lim, Senior Pastor katuwang ang mga kapulisan mula sa San Juan City Police Station.

Tinalakay sa programa ang God’s Design for Marriage, Effective Communication, Forgiveness, and Reconciliation kasabay din ng Renewal of Vows, Covenant Marriage Couple’s Dance at ang pamamahagi ng food packs para sa mga nakilahok.

Layunin ng aktibidad na palalimin pa ang pagmamahalan, paggalang, at relasyon sa pagitan ng mga mag-asawa kaugnay ito sa 2023 National Women’s Month Celebration na may temang: “We for gender equality and inclusive lipunan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *