Coastal Clean-up Drive Operation, nilahukan ng mga Force Multipliers ng San Ricardo, Southern Leyte

Southern Leyte – Nakilahok ang mga Force Multipliers ng San Ricardo sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Operation sa Brgy Timba, San Ricardo, Southern Leyte nito lamang Sabado ng umaga ika-11 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay Officials, BFP, PCG, NGO’s, stakeholders at mga tauhan ng San Ricardo MPS.

Nilikom ng mga kalahok ang lahat ng basurang nasa baybayin ng Barangay Timba na nagdudulot ng polusyon sa tubig dagat at nagiging sanhi ng sakit sa mga residente sa naturang lugar.

Layunin ng naturang aktibidad na ipabatid sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura at maging bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at ng karagatan para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *