Clean-up Drive Activity, aktibong nilahukan ng Advocacy Support Group

Antique- Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang clean-up drive activity sa Poblacion, Laua-an Bridge, Antique nito lamang ika-11 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection katuwang ang Laua-an Municipal Advisory Council, Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, 4PS at mga residente ng nasabing lugar.

Layunin ng grupo na mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran upang hindi pamugaran ng lamok na maaring magdulot ng sakit tulad ng dengue at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *