Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Mainit, Barangay Tinib, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, Marso 12, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Second Provincial Mobile Force Company, Aurora PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander.

Ang aktibidad ay kaugnay sa program ng Pambansang Pulisya na Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na kung saan ay nagkaroon ng pamimigay ng mga relief goods, school supplies at pagkakaroon ng feeding programs sa mga katutubong Dumagat.

Layunin ng aktibidad na mapaigting ang ugnayan ng PNP at mamamayan lalo na ang makapagbigay ng tulong sa mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *