KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting isinagawa sa Misamis Oriental

Nagsagawa ng Kasimbayanan Weekly Interactive Meeting (KWIM) ang mga miyembro ng Shrine of Our Fatima sa Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental, kasama ang mga residente ng nasabing lungsod nito lamang Linggo, Marso 12, 2023.

Nakilahok din sa aktibidad ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Banglay sa pangunguna ni Police Captain Winfield Sarmiento, Team Leader sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Gonzalo Villamor Jr, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office.

Sa naturang aktibidad ay nagkaroon ng pagbabahagi ng salita ng Diyos na nagsisilbing paghahanda sa nalalapit na holy week.

Layunin nito na maibahagi ang salita ng Diyos hindi lang sa mga kapulisan kundi maging sa mamamayan sa tulong ng religious sectors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *