Tree Planting Activity isinagawa sa Oroquieta City

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Eagles Club at Oroquieta City PNP sa Barangay Pines, Oroquieta City nito lamang Linggo Marso 12, 2023.

Matagumpay na naitanim ang 200 seedlings ng mahogany sa naturang aktibidad.

Ang aktibidad ay naglalayon na mapangalaagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim sa tulong kaagapay ang Pambansang Pulisya at mga Advocacy Support Groups para sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *