KKDAT Rizal , nagbigay ng tulong sa biktima ng sunog sa Kalinga

Personal na bumisita at naghatid ng munting tulong ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo- Rizal Chapter sa isang pamilya sa San Quintin Rizal Kalinga nito lamang ika-16 ng Marso 2023.

Kasama rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Shameral Banag, Chief of Police.

Ang grupo ay namahagi ng grocery items at bigas sa pamilya ni Ginoong Hilarion Castillo na biktima ng sunog kung saan mula sa kontribusyon ng mga KKDAT volunteers at mga pulis ng Rizal.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Castillo sa biyayang kanilang natanggap mula sa naturang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *