LGU Tacurong, Nakiisa sa National Women’s Month

Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Tacurong City sa National Women’s Month na ginanap sa Tacurong City Gymnasium, Sultan Kudarat nito lamang ika-16 ng Marso 2023.

Pinangunahan ni Hon. Joseph George L. Lechonsito, City Mayor, ang naturang aktibidad, katuwang ang City of Tacurong Council for the Development of Women (CTCDW).

Tampok sa aktibidad ang Motorcade ng Float Contest at ang Mass Dance Competition.

Dinaluhan ito ng mahigit 1,400 na kababaihan mula sa iba’t ibang organisasyon at mga stakeholders.

Dumalo din ang Tacurong PNP upang matiyak ang seguridad at kaayusan ng naturang aktibidad.

Layunin ng Lokal na Pamahalaan na isulong ang mga karapatan hindi lamang ng kababaihan kundi maging ang iba’t ibang kasarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *