Faith-Based Advocacy Support Group nakiisa sa Tree Planting Activity sa Batangas

Batangas – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Majuben, Anilao, Mabini, Batangas nito lamang Marso 18, 2023.

Ito ay pinangunahan nila Rev. Paul James S. Cruzado, Co-lead Pastor, IBC at Pastor Nathaniel Nidar katuwang ang Station Community Affairs and Development Section sa pangunguna ni Police Captain Jurana B Ollaging, Chief, SCADS ng Mandaluyong CPS.

Nakapagtanim ang grupo ng 100 na punla ng iba’t ibang uri ng puno tulad ng Narra, Marang, Talisay at Mangga.

Ang aktibidad ay naglalayon na ipabatid ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno para mabawasan ang pagguho at pagkasira ng lupa at malabanan na rin ang climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *