Serbisyo Caravan, pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Sarangani

Nagsagawa ng Serbisyo Caravan ang Lokal na Pamahalaan ng Sarangani sa mga residente ng Barangay Lumatil, Maasim, Sarangani Province nito lamang ika-17 ng Marso, 2023.

Pinangunahan ni Honorable Rogelio D. Pacquiao ang aktibidad kasama ang Philippine Army at Philippine National Police na nagbigay seguridad sa lugar.

Mahigit 200 na residente ang naging benepisyaryo na nakatanggap ng bigas at mga libreng gamot.

Nagpasalamat naman ang mga residente dahil hindi sila binibigo ng kanilang lokal na pamahalaan sa oras ng pangangailangan.

Ang aktibidad ay nagpapatunay ng matibay na ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Sarangani at ng mga residente sa kanilang komunidad tungo sa pag-abot ng kaunlaran at kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *