Fun Run isinagawa sa San Antonio, Zambales

Nagkaisa ang mga kababaihan sa isinagawang Fun Run sa San Antonio, Zambales nito lamang Sabado, ika-18 ng Marso 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Municipal Social Worker and Development Office sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Edzel L Lonzanida, Municipal Mayor.

Dinaluhan din ito ng mga tauhan ng Rural Health Unit, PNP, BFP at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month na naglalayong hikayatin ang lahat ng kababaihan na makilahok sa mga pisikal na aktibidad sa pagpapanatili ng malakas at matibay na pangangatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *