Information Caravan sa pag-iwas sa HIV/AIDS inilunsad sa Misamis Oriental

Nagsagawa ng Information Drive tungkol sa pag-iwas sa HIV/AIDS ang Provincial Health Office ng Misamis Oriental katuwang ang Rural Health Claveria sa Zone 2A Barangay Mat-I, Claveria, Misamis Oriental nito lamang Marso 18, 2023.

Nakilahok din at nagbigay naman ang seguridad ang mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay Claveria, Misamis Oriental sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Gonzalo Villamor Jr., Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office.

Nagbigay ng free HIV test ang Health Office sa mga lumahok sa naturang aktibidad. Tinalakay din sa aktibidad ang Teenage Pregnancy bilang paalala sa mga magulang na gabayan ang mga anak para maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mamamayan upang maiwasan ang HIV/AIDS at ang pagkalat nito at mapalaganap na din ang epekto ng Teenage Pregnancy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *