KKDAT nakiisa sa Feeding Program sa Zaragoza, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Feeding Program sa Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang ika-18 ng Marso 2023.

Nagtulung-tulong ang KKDAT at ng mga tauhan ng Zaragoza PNP sa pamumuno ni Police Major Ronnie G Caagbay, Chief of Police sa pamimigay ng libreng pagkain sa mga residente at mga kabataan alinsunod sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Laking tuwa naman ang makikita sa mga mata ng mga residente at lalo na sa mga bata na nakatanggap ng mainit init pang lugaw sa umaga.
Patuloy na makikiisa ang KKDAT sa lahat ng mga programa ng PNP upang maging tulay sa pagpapatupad ng magandang ugnayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *