Tau Gamma Phi nakiisa sa Community Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi sa paghahatid ng tulong para sa mga mag-aaral ng Dinadiawan Day Care Center sa Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora nito lamang Lunes, ika-20 Marso 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company kasama si Pastor Victor S. Silan, Faith Based Adviser.

Umabot sa 55 na mag-aaral ang nabigyan ng mga libreng tsinelas, school supplies, at libreng pagkain.

Labis naman ang tuwa ng mga bata sa hatid na malasakit at tulong ng PNP, Force Multipliers at Faith Based Advocacy Support Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *