Feeding Program isinagawa sa Kitaotao, Bukidnon

Nakiisa ang mga miyembro ng Eagles Club ng San Fernando, Bukidnon sa isinagawang Feeding Program na ginanap sa Covered Court ng Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon nito lamang Marso 18, 2023.

Lumahok din sa aktibidad ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay ng 2nd Provincial Mobile Force Company Bukidnon katuwang ang mga miyembro ng Philippine Army.

Nagkaroon ng mga parlor games sa naturang aktibidad kung saan labis na ikinatuwa ng mga kabataan.

Patuloy ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan, force multipliers at pulisya upang matulungan ang mamamayan na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *