Pedals of Hope Project, inilunsad ng Advocacy Support Groups at Valley Cops sa Cagayan

Inilunsad nitong Miyerkules, Marso 22, 2023 ang proyektong Pedals of Hope ng Cagayan Capitol Press Corps, Inc. (CCPCI) kasama ang Valley Cops sa isang programang naganap sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Napili ng CCPCI na handugan ng bagong bisikleta sina Jefferson Langcay, 13 years old, Grade 6 na mag-aaral ng Peñablanca West Central School; at si Fatima Annang, 11 years old Grade 5 na mag-aaral ng Bugatay Elementary School.

Ayon kay Dextress Taguiam, CCPCI President, sa bundok nakatira ang mga benepisyaryo at tinatayang 45 minuto hanggang isang oras ang araw-araw na nilalakad ng mga ito upang makapasok sa paaralan. “Ang bike at ang CCPCI ay tutulong hindi para iangat ang buhay, bagkus matulungan silang maibsan ang sakripisyo at pagod sa araw-araw nilang pagpunta ng paaralan,” ani President Taguiam.

Labis naman ang galak at pasasalamat nina Jefferson at Fatima sa kanilang pagtanggap ng bagong bisikleta mula sa pagtutungan nina President Taguiam; Vice President Rodel Ordillos; mga opisyales ng CCPCI; Police Colonel Efren L Fernandez II, Officer In-charge ng RPCADU2; Local Government Unit Representative; Police Major Harold Ocfemia, Chief of Police ng Penablanca Police Station, at ang school principal ng Bugatay Elementary School at Peñablanca Central School.

Bukod sa bisikleta, nakatanggap din sila ng airpump, bike tools, at kapote. Ang kani-kanilang pamilya naman ay nabigyan din ng grocery items at tig-25 kilos na bigas.

Samantala, patuloy naman ang Advocacy Support Groups sa paghahanap ng iba pang mga maaaring maging benepisyaryo ng nabanggit na proyekto at hangad nilang mailunsad din ito sa iba pang lugar hindi lang sa probinsya ng Cagayan.

Source: Peñablanca Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *