KASIMBAYANAN at BIDA Program Activities, nilahukan ng Advocacy Support Groups
Nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups ang isinagawang KASIMBAYANAN at Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program Activities sa pamamagitan ng Tree Planting at Clean-up Drive Activity na ginanap sa La Mesa Dam, Eco Park-DENR, Fairview, Quezon City nito lamang umaga ng Biyernes, Marso 24, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng
San Juan PNP Bikers, West Crame Cycling Group at ng Association of Pastors for Outreach and Intercession (A.P.O.I.) sa pamumuno ni Pastor Rod Rona kasama ang
ang mga tauhan ng SCADS sa ilalim ng gabay ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Acting Chief of Police ng San Juan CPS.
Nagkapagtanim ang grupo ng 20 piraso ng Mahogany seedlings at namahagi na rin sila ng mga food packs sa mga Forests Rangers ng DENR-NCR. Kasabay din nito ay naglinis din sila sa paligid ng nasabing lugar.
Ito ay naglalayon na palakasin ang ugnayan ng komunidad at ng kapulisan kaagapay ang simbahan sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangang panlipunan at pangangalaga sa kapaligiran nang sa gayo’y mapuksa ang paglaganap ng ilegal na droga at mabawasan ang krimen sa kanilang lugar.