KKDAT, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Ferrol, Romblon

Ferrol, Romblon – Nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Brgy. Hinag-oman, Ferrol, Romblon noong ika-24 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Hilario Eugenio, Officer-In-Charge ng Ferrol MPS katuwang ang ibang opisyales ng barangay.

Ang grupo ay nakapagtanim ng 50 piraso ng Mahogany seedling sa nasabing lugar.

Naglalayon ang aktibidad na isulong ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno sa iba’t-ibang lugar para maiwasan ang pagguho ng lupa o pagbaha sa lugar.

Source: Ferrol MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *