KKDAT nanguna sa Clean-up Drive at Feeding Program sa San Juan City

San Juan City – Pinangunahan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng San Juan Chapter ang isinagawang Clean-up Drive Activity at Feeding program na ginanap sa Brgy. Isabelita, San Juan City nito lamang Sabado, ika-25 ng Marso 2023.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Sub-Station 4 at SCADS sa pangunguna ni Police Captain Solomon D Santos, OIC, SCADS ng San Juan City Police Station.

Sama-samang nilinis ng grupo ang iskinita ng lugar at kasabay din nito ay namahagi sila ng mainit na lugaw para sa mga residente ng nasabing barangay.

Ang inisyatibong ito ng mga kabataan ay isa sa mga natatanging paraan upang sila mismo ang manguna na hikayatin ang iba pang mga kabataan na makilahok at makiisa sa mga aktibidad nang sa gayo’y makaiwas sila sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *