Faith-Based Advocacy Group, nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity

Castilla, Sorsogon – Nakilahok ang ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay San Isidro, Castilla Sorsogon nito lamang ika-25 ng Marso 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng kapulisan ng Castilla Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ng Hepe nito na si Police Major Maemay O Fartingca.

Ang mga kalahok ay masayang nakapagtanim ng mga punla ng iba’t ibang klqse ng puno sa naturang lugar.

Layunin nito na maprotektahan at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran na siyang nagbibigay ng sariwang hangin at para na rin maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *