Taekwondo Program nilahukan ng mga kabataan sa Taguig City

Nilahukan ng mga estudyante ng Arcadio Santos National High School ang isinagawang Taekwondo Program sa Taguig City nito lamang linggo, Marso 26, 2023.

Ang naturang aktibidad ay may temang: “Sipa Kontra Droga” na pinangunahan ni PSSg Pababero, Instructor kasama sina
Brother Aldwin Dumasig, RMFB Life Coach at Mr. Wilfred Rhodes II, PE. Teacher kaugnay sa B.I.D.A Program (Buhay Ingatan, Droga’y ayawan).

Layon ng aktibidad na dagdagan ang kaalaman ng bawat estudyante sa basic self defense para maprotektahan ang kanilang mga sarili sa oras ng mga panganib. Nais din ng grupo na hikayatin ang mga kabataan na umiwas sa ilegal na droga na siyang nakakasira sa kanilang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *