Faith Based Group Leader, dumalo sa PNP KASIMBAYANAN Signing and Recital of Pledge of Commitment sa Masbate

Cataingan, Masbate – Nakiisa ang Faith Based Group Leader sa isinagawang PNP KASIMBAYANAN Signing and Recital of Pledge of Commitment sa Barangay San Rafael, Cataingan, Masbate nito lamang ika-25 ng Marso 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Judy B Villamor, Supply PNCO, sa ilalaim ng pamumuno ni Police Major Czar Pancho B Avila, Chief of Police ng Cataingan MPS katuwnag ang mga opisyales ng Barangay.

Bilang bahagi ng aktibidad ay lumagda sa kasunduan ang mga lumahok sa aktibidad at patuloy na makikiisa at susuportahan ang mga programa ng Pambansang Pulisya upang mas lalong mapatatag ang ugnayan ng bawat-isa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan upang makamit ang maunlad, mapayapa at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *