Joint Blood Letting Project, muling umarangkada sa Sorsogon
Muling umarangkada ang Joint Blood Letting Project na isinagawa ngayong araw sa People’s Mansion, Brgy. Burabod, Sorsogon City sa pakikiisa ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at komunidad sa lungsod.
Ang proyekto ay tinaguriang “DUGONG AGILA DUGONG PAG- ASA” na dinaluhan ng iba’t ibang mga tauhan mula sa Provincial Government of Sorsogon, Department of Health (DOH), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard, kasama ang The Fraternal Order of Eagles Philippine Eagles at Sorsogon Provincial Health Office .

Pinasalamatan naman ng mga nasa likot ng programa ang mga volunteer blood donors—Ani pa nila “kayo ang tunay na bayani ng araw na ito! Sa bawat patak ng dugong inyong ibinahagi, buhay ang inyong nailigtas at pag-asa ang inyong naipagkaloob.”

Nagtapos ang programa ng may pinabagong pag-asa para sa lahat ng mga residente sa Sorsogon partikular na sa mga mas nangangailangan ng donasyong dugo.