3-Day Digital Literacy Training para sa kabataan, pinangunahan ng R-PSB Team Baao sa Masbate

0
viber_image_2026-04-24_16-51-51-529

Pinangunahan ng R-PSB Team Baao ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang pagsasagawa ng 3-Day Digital Literacy Training para sa kabataan sa Barangay Baao, Baleno, Masbate na nagtapos nitong Abril 23, 2026.

Ang aktibidad ay bahagi ng pinaigting na community engagement at youth empowerment initiatives ng kapulisan na naglalayong palakasin ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng teknolohiya.

Layunin din nito na gabayan ang kabataan tungo sa mas makabuluhang gawain at maiwasan ang kanilang pagkakasangkot sa mga maling aktibidad.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng sapat na kaalaman at hands-on experience sa paggamit ng mga pangunahing computer applications tulad ng Microsoft Word, Excel, at PowerPoint—mga kasanayang mahalaga sa makabagong panahon at makatutulong sa kanilang pag-unlad sa edukasyon at hinaharap na hanapbuhay.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga kalahok sa kapulisan at sa DICT sa pagbibigay ng oportunidad na mapalawak ang kanilang kaalaman, na kanilang magagamit hindi lamang sa pag-aaral kundi pati sa pagiging produktibo at inobatibong mamamayan ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *