Loose Firearm boluntaryong isinuko sa Abra

Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa mga otoridad sa Pilar, Abra nito lamang Marso 28, 2023.

Ang isinukong armas ay isang uri ng homemade 9mm pistol with 1 magazine, with no ammunition, no markings at walang serial number.

Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng may-ari ng naturang baril para sa kanyang seguridad.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng tuloy-tuloy na pagsasagawa ng Oplan Katok at Oplan Bakal Sita bilang bahagi ng Anti-Criminality Campaign ng Abra PNP sa buong probinsya.

Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Campaign against loose firearms sa ilalim ng Republic Act 10591 o mas kilala sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *