Pamimigay ng mga Food Packs, Nilahukan ng PLMAR Intern-Students sa Marikina City

Masayang nakilahok ang mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMAR) sa pamamahagi ng mga food packs para sa programang “Adopt A Sitio ” sa mga pamilya ng Tanguile St. Brgy. Marikina Heights sa Marikina City.

Katuwang sa programa ang mga tauhan ng Marikina City Police Station sa pamumuno at gabay ni Police Colonel Earl B Castillo, Chief of Police.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng suporta sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod sa tulong ng mga estudyante at kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *