First Aid Lecture , nilahukan ng mga estudyante sa Parañaque City

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral at mga guro sa isinagawang first aid lecture na ginanap sa Dr. Arcadio Santos National High School, Parañaque City nito lamang Lunes, Abril 3, 2023.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Battalion Community Affairs Section ng RMFB-NCRPO ang naturang aktibidad bilang mga tagapagsalita at tagapagsanay.

Layunin ng programa na makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga kabataan sa paunang lunas at kung paano rumesponde kapag may emerhensiya at may sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *