Community Garden, Pinagtulungang buuin sa Kitaotao, Bukidnon

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Indigenous People at Revitalized Pulis sa Barangay Kitaotao, Bukidnon sa paggawa ng Community Garden sa Sitio Tribal Village Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon nito lamang, ika-1 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ni ginoong Mauresio Damlay, Sitio Leader katuwang si Police Staff Sergeant Quirico Leoncio Bansiloy sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Reynante Royo Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office.

Layunin nito na makapagtanim ng mga gulay upang magkaroon ng isa sa mapagkukunan ng masusustansiyang pagkain na nakapagbibigay ng sapat na nutrisyon sa katawan. Layunin din nito na himukin ang kanilang kabarangay na tularan ang community garden ng sa gayo’y makatupid na rin sa mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *