Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Bagulin, La Union

Pinangunahan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ang Clean-up Drive Activity sa Balili River at Brgy Suyo, Bagulin, La Union nito lamang Abril 18, 2023.

Katuwang ng mga miyembro sa nasabing aktibidad ang Bagulin Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ FERDINAND O SIERRA, Chief of Police.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina para sa ligtas at maayos na kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit dulot ng maruming paligid.

Hinikayat ng grupo ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Source: Bagulin, Municipal Police Station, La Union

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *