Libreng Iftar Program, isinagawa ng ZAKAT Foundation of America sa Taguig City

Masayang namahagi ng libreng Iftar ang mga miyembro ng ZAKAT Foundation of America kasama ang mga miyembro ng TAHA Foundation na ginanap sa Taguig City Jail-Male Dormitory nito lamang Lunes, Abril 17, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang 7th MFC personnel ng RMFB-NCRPO.

Nagsimula ang aktibidad sa Dua sa pangunguna ni PSMS Gomer Ecalner, Values Life Coach, kung saan sinundan ito ng maikling lecture tungkol sa KASIMBAYANAN.

Nagbahagi na rin ang grupo ng mga food packs para sa IFTAR (break fasting) sa 211 Muslim na preso.

Ang aktibidad ay pakikiisa ng grupo sa banal na buwan ng mga kapatid na muslim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *