Clean-up Drive muling inilunsad sa Misamis Occidental

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng religious sectors at kabataan mula sa Youth Basketball Association sa isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Barangay Tabuc Sur, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Linggo, Abril 16, 2023.

Tumulong din sa paglilinis ang Provincial Mobile Force Company Misamis Occidental sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Marlon Quinmo, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang kanilang kabarangay at mga iba’t-ibang sektor ng pamahalaan na makiisa sa paglilinis ng kapaligiran upang mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *