Libreng Iftar, isinagawa sa Aleosan, Cotabato

Nagsagawa ng libreng Iftar ang mga kawani ng Local Government Unit katuwang ang Cotabato PNP sa Masgidol Maslamama Moseque, Sitio Mampurok, Brgy. Dualing, Aleosan, Cotabato nito lamang ika-17 ng Abril, 2023.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng humigit kumulang 100 na kapatid na muslim kung saan, nakatanggap sila ng maiinit at masustansyang pagkain na inihanda ng nasabing grupo.

Ang aktibidad ay bahagi ng pag-obserba sa mapagpalang buwan ng Ramadan.

Layunin din nito na ipakita ang pakikiisa ng mamamayan sa pagdiriwang ng banal na buwan na isa sa pinakamahalagang selebrasyon para sa mga kapatid na Muslim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *