Coastal Clean-Up Drive, isinagawa ng Force Multipliers sa Lapu-Lapu City

Pinangunahan ng mga kasapi ng Force Multipliers ang Coastal Clean-Up Drive sa baybayin ng Sta. Rosa Wharf Causeway, Brgy. Sta. Rosa, Olango Island, Lapu-Lapu City nito lamang ika-25 ng Abril 2023.

Dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Lapu-Lapu City Police Station 1 na pinangunahan ni Police Major Felix C Cleopas III, Station Commander at PGBI MVSL Olango Chapter.

Nagtulong-tulong ang grupo sa paglilinis at paghahakot ng mga basura sa nasabing barangay.

Ang Coastal Clean-Up Drive ay isang gawain na nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran para sa kaligtasan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *