KKDAT Enrile, nakiisa sa Clean Up Drive

Patuloy ang aktibong pakikiisa ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) Enrile Chapter sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay II Enrile Cagayan nitong ika-27 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maipakita ang malasakit sa kalikasan.

Regular ang isinasagawang aktibidad katuwang ang Enrile Police Station.

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ay namumulat ang mga kabataan sa pagpapahalaga sa malinis at maayos na kapaligiran na makakatulong sa paglutas sa climate change.

Source: Enrile PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *